𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗢𝗨𝗥𝗖𝗘𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗢𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘

Mahigpit ang isinasagawang monitoring ng Center for Health Development 1 (CHD1) sa mga water sources ng mga pampublikong paaralan sa Region 1 bago ang simula ng klase sa ika-29 ng Hulyo.

Layunin ng kanilang pagmomonitor na masigurong ligtas itong inumin o gamitin ang mga water sources sa paaralan alinsunod sa mandato ng Philippine National Water Drinking Standard of 2017.

Sa kanilang pagtataya, nasa mahigit 80% na ng mga water sources ng mga pampublikong paaralan sa rehiyon 1 ang sumailalim na sa water testing.

Kasalukuyan pa ring nakikipag-ugnayan ang CHD 1 sa mga opisyales ng Deped Region 1 upang matiyak na lahat ng paaralan sa rehiyon ay namonitor na ang kanilang mga water sources bago ang pagbubukas ng klase sa susunod na linggo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments