𝗪𝗘𝗟𝗗𝗘𝗥, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝟲𝟴𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨

Arestado ang isang 36 anyos na welder matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Payocpoc Sur, Bauang, La Union.

Alas nuwebe ng gabi nang maaresto ang suspek dahil sa nakumpiskang hinihinalang shabu na nakuha sa kanya na nakasilid sa pitong plastic sachet.

Ito ay Tumitimbang ng humigit kumulang sampung gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68, 000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments