Tinututukan ngayon ang pagtaas ng mga pasyenteng naa-admit na may dengue fever sa Western Pangasinan District Hospital.
Ayon sa kasalukuyang datos ng Western Pangasinan District Hospital mula January hanggang July 2024, nasa 129 na mga pasyente ang na-admit sa naturang ospital dahil sa dengue fever.
Base sa tala, nasa edad anim na taon pataas ang inaadmit dito.
Ayon sa Provincial Health Office ng Pangasinan, Nakahanda naman ang mga dengue fast lane ng mga ospital sa probinsya sa mga suspected dengue patient at mabigyan ang mga ito ng agarang medikal na atensyon.
Paalala ng awtoridad, maglinis ng kapaligiran lalo na sa mga lugar na posibleng pamahayan ng mga lamok na may dalang dengue. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments