𝗪𝗘𝗦𝗧 𝗧𝗔𝗕𝗔𝗖𝗔𝗟 𝗡𝗛𝗦, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗨𝗞𝗔𝗡

Cauayan City – Handang-handa na ang West Tabacal National Highschool para sa muling pagsisimula ng pasukan ngayong School Year 2024-2025.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Dr. Primitivo Gorospe, Secondary School Principal sa West Tabacal NHS, ang mga pasilidad, kagamitan, maging ang mga guro sa kanilang paaralan ay nakahanda na sa pagsisimula ng pasukan sa susunod na linggo.

Aniya, bukod sa mga dumating na learning materials ay ikinatuwa rin nito ang pagkakaroon ng karagdagang bilang ng mga guro na magtuturo sa mga mag-aaral sa kanilang paaralan.


Sinabi ni Dr. Gorospe na sa ngayon, hindi naman magiging problema ang mga pasilidad, mga kagamitan maging ang mga guro dahil nanatiling sapat ang bilang ng mga ito para sa mga estudyante.

Lubos namang nagpasalamat si Dr. Gorospe sa mainit at walang sawang suporta na ibinibigay ng LGU, mga guro, SDO Cauayan, stakeholders, mga magulang, Brgy. Officials, at iba pang mga volunteers, upang matiyak lamang ang maayos na magiging sitwasyon ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Facebook Comments