CAUAYAN CITY- Ibinaba na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa signal number 1 ang Batanes mula sa typhoon signal number 2 kahapon, ika-24 ng Hulyo.
Ayon sa PAGASA, inaasahan na tuluyan nang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Bagyong Carina ngayong umaga.
Gayunman, inaasahan pa rin na uulanin ang malaking bahagi ng Luzon dahil na rin sa patuloy na paghatak ni Bagyong Carina sa Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Samantala, inaasahan naman na magaganap ang final landing ng bagyo mamayang hapon o gabi sa Southern China.
Facebook Comments