𝗪𝗢𝗥𝗞-𝗙𝗥𝗢𝗠-𝗛𝗢𝗠𝗘 𝗦𝗘𝗧𝗨𝗣 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗛𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗚𝗢𝗕𝗬𝗘𝗥𝗡𝗢, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

Isinusulong ngayon ng Senador na namumuno sa Senate Committee on Health ang work-from-home setup sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa dahil pa rin sa nararanasang init ng panahon.

Ayon kay Senator Bong Go, ang panghihikayat sa nasabing setup ay nagawa na noong panahon ng pandemya kaya’t maaari rin itong ikonsidera ngayong nararanasan din sa lalawigan ng Pangasinan ang mainit na panahon, na sa katunayan ay kadalasang naitatala ang matataas na heat index.

Sa ngayon, naitatala pa rin ang heat index na nasa 42 at inaasahang papalo pa ng 51 degree Celsius, kung saan sinuspinde na ang klase sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Samantala, inabisuhan ang bawat manggagawa na sila ay maaaring makatanggap ng health benefits mula sa Philippine Health Insurance Corporation na nagkakahalaga ng PHP 6,500 para sa confinement sa mga kaso ng heat stroke, sunstroke at heat exhaustion.

Kamakailan, nag-anunsyo na ang ibang lokal na pamahalaan sa Pangasinan ng adjusted working hours upang maiwasan ang epekto ng mainit na panahon, tulad na lamang sa bayan ng San Fabian. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments