𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗘𝗡𝗩𝗜𝗥𝗢𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗗𝗔𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥

Kaisa ang Department of Health – Center for Health Development Ilocos Region sa selebrasyon ng World Environmental Health Day na isinagawa sa Sigay, Ilocos Sur.

Tampok ang iba’t-ibang aktibidad na nilahukan ng mga residente mula sa lahat ng barangay ng Sigay tulad ng booth making, trash on show at recycled art contest.

Layon ng naturang aktibidad na maitaguyod ang aspeto ng pangkalikasan pagdating sa pangangalaga nito upang matiyak ang environmental health sa mga komunidad sa lalawigan at Rehiyon.

Samantala, pinangunahan ang aktibidad ng DOH – CHD1 katuwang Ilocos Sur Medical Center, Pamahalaang Panlalawigan, LGU at RHU Sigay, DENR Region 1, Health Care without Harm – Southwest Asia, Climate Change Commission at World Health Organization. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments