๐—ฌ๐—˜๐—”๐—ฅ-๐—˜๐—ก๐—— ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—–๐—จ๐—  ๐—–๐—›๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐— ๐—”๐—ฆ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—˜๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐—ฌ๐—”๐——๐—ข ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ก, ๐—š๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—ฃ

Napuno ng kasiyahan, patimpalak at surpresa ang ginanap na Year-End Assessment kasabay ang Christmas Party ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Lingayen na may temang “Barrio Fiesta.”

Suot ang magagarang Filipina, Barong at Baroโ€™t Saya kanya- kanyang rampa ang mga empleyado sa kanilang gabi bilang pagkilala na rin sa buong taong sakripisyo at serbisyo ng mga ito para sa bayan.

Pinangunahan naman ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang okasyon at ginawang mas kapana-panabik dahil sa mga raffle prizes at mga inihandang pagtatanghal ng anim na Clusters na binubuo ng mga tanggapan at ahensiya ng lokal na pamahalaan. Bago ang kasiyahan ibinida ni Mayor Bataoil ang mga parangal at pakilalang natanggap ng bayan sa taong 2023 na bunga ng pagtutulungan at mahusay na serbisyo sa taumbayan kabilang na dito ang tinatawag na Mother of All Awards o ang Seal of Good Local Governance o SGLG Awards.

Buo rin ang naging pagsupoprta ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Mac Dexter Malicdem

At dahil Barrio Fiesta ang tema ngayong taon, nagpamalas ng angking galing sa pagsasayaw ng mga local folk dances ang anim na grupo, kabilang ang say ana Lanceros De Lingayen, Binasuan, Tinikling, Salakot, Binislakan at Itik-Itik.

Itinanghal namang kampeon ngayong taon ang Cluster 6 na binubuo ng Municipal Information Office, Municipal Tourism Office, Municipal Legal Office at Sangguniang Bayan Researchers na nagpamalas ng sayaw na Binislakan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga kawani sa pamunuan ni Mayor Bataoil dahil sa patuloy nitong pag-aalaga at pagbibigay halaga sa mga kawani ng Lingayen Municipal Hall ganun na rin pati sa kanilang mga pamilya. | ๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments