𝗬𝗘𝗔𝗥 𝗘𝗡𝗗 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗖𝗢𝗡𝗙𝗘𝗥𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗔𝗧 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗔𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛

CAUAYAN CITY- Ang PhilHealth ay nagdaos ng Year-End Press Conference at Media Pasasalamat ngayong araw, ika-13 ng Disyembre, sa Lungsod ng Tuguegarao.

Sa pangunguna ni PhilHealth Regional Vice President Ret. BGen. Llewelyn Binasoy, tinalakay ang mga mahahalagang tagumpay ng ahensya para sa taong ito.

Kabilang sa mga nabanggit na accomplishments ang pagpapalawak ng benepisyo tulad ng hemodialysis sessions, na mula sa 90 sessions ay nadagdagan at naging 156 sessions na.


Bukod dito, binigyang-diin din ang mga pag-unlad sa PhilHealth Konsulta Package, na ngayon ay may karagdagang serbisyo gaya ng mammogram at pelvic ultrasound benefits.

Bilang bahagi ng programa, nagkaroon din ng raffle ng appliances at isang salo-salo kasama ang mga media partners at information agencies, bilang pasasalamat sa kanilang suporta sa mga layunin ng PhilHealth.

Facebook Comments