Patuloy na itinataguyod ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang programang Zero Hunger sa ilalim ng United Nations Sustainable Development Goals na may layong wakasan ang pagkagutom at suliraning malnutrisyon sa taong 2030.
Personal na hatid ni Mayor Fernandez ang masusustansyang pagkain sa lahat ng tatlumpu’t-isang barangay sa Dagupan City katuwang ang City Health Office, City Nutrition Office, Barangay Council maging mga youth volunteers.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ito sa mga eskwelahan upang mapakinabangan ng mga Batang Dagupeños kasabay ng programang amBAG, ang pamamahagi ng school bags na naglalaman ng mga school supplies tulad notebooks, lapis, papel, at crayons at hygiene kits.
Samantala, layon at inaasahan ng nasabing programa na makakamit hindi lamang ang pagsugpo sa problemang kagutuman at malnutrisyon gayundin ang pagpapanatili ng food sustainability ng lungsod, at ang pagpapahalaga sa kapakanang pangkalusugan ng mga batang Dagupeños. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments