Isinusulong ngayon ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang ‘Zero-Waste Habits’ na may layong makapagtaguyod ng isang mas malinis at ligtas na kapaligiran alinsunod sa pagdiriwang ng National Zero Waste Month ngayong buwan ng Enero.
Una naitatag ang nasabing pagdiriwang noong taong 2014 sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 760, na humihimok sa publiko sa pagtugon sa usapin ng mga wastes o basura.
Ibinahagi ni alkalde ng bayan ang ilan sa mga pangunahing hakbangin upang makamit ang adhikain tulad ng Reuse o muling paggamit ng mga materyales hanggat maaari pa, ang pag-compost o mga bagay na maaaring gawing pataba, pagdonate o pagbenta kaysa itapon, at pagbili ng mga refillable products kaysa disposable.
Hinikayat din nito ang pagsasabuhay ng zero waste habits sa mga tahanan maging sa mga paaralan nang maging kaisa ang mga Mangaldanians sa pagsusulong ng malinis na kapaligiran at komunidad.
Samantala, katuwang ng LGU Mangaldan ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pagpapalakas ng pagsisikap sa pamamahala ng basura kasunod ng 2024 National Zero Waste Month na may temang “Sustainable Waste Management in Livable Communities: Zero Waste to Philippine Waters by 2040.” |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨