𝟭𝗞 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝗖𝗛𝗗 𝟭

Kabilang sa tinututukan ngayon ng Department of Health (DOH) ang Ilocos Region bilang isa ito sa mga anim pang rehiyon na nakitaan ng pagtaas sa kaso ng dengue.

Hanggang sa kasalukuyan, nakapagtala na ang Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) – Center for Health Development (CHD) 1 ng nasa isang libong kaso ng ng dengue sa buong rehiyon.

Ayon sa health official, inaasahan ang pagtaas ng naturang sakit dahilan na nasa panahon na ng tag-ulan ang bansa.

Kaugnay nito, puspusan ang isinasagawang kampanya at aksyon ng ahensya at mga lokal na pamahalaan ng rehiyon upang malabanan ang bantang dala ng dengue.

Samantala, bahagi ng pagtugon ng DOH sa naturang kaso ay ang pagpapanatili ng sapat na suplay ng dugo sa pamamagitan ng mas palalawigin pang blood donation drive sa Rehiyon Uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments