𝟭𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢, 𝗔𝗟𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗝𝗢𝗕𝗦 𝗙𝗔𝗜𝗥 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Umarangkada kahapon sa iba’t-ibang bahagi sa Rehiyon Uno ang Jobs Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1 sa ilalim ng ‘Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat.’ Nasa sampung libong mga trabaho para sa mga job seekers ng rehiyon ang pinilahan ng mga job seekers.

Ginanap ang naturang aktibidad sa mga tukoy na malls sa Robinsons Place Calasiao; CSI Stadia, Lucao, Dagupan City; at Don Leopoldo Convention Center, Alaminos City sa Pangasinan at mall sa Robinsons Place, San Nicolas, sa Ilocos Norte.

Kasabay pa nito ang pamamahagi ng programang TUPAD at DILP ng ahensya na may layong mabenipisyuhan ang mga residente ng Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments