𝟭𝟬,𝟬𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗣𝗔𝗖𝗞𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗣𝗢𝗦𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢

Nakahanda na ang higit sampung libong family food packs sa lalawigan ng Pangasinan para sa mga residenteng maapektuhan ng Bagyo.

Sa tala ng Pangasinan Provincial Social Welfare and Development Office, nasa 10,466 ana family food packs ang kasalukuyang nakalagak sa kanilang opisina at sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen Pangasinan.

Mayroon ding 300 na family food packs sa Satellite Office ng PDRRMO sa bayan ng Burgos. Sa San Carlos City, nasa 500 Family Food Packs (FFPs) at 500 non-food items ang nakahanda at nasa strategic locations nasa lungsod at 500 na FFPs naman sa Manaoag para sa mga evacuees.

Naunang nang siniguro ng Pamahalaang Panlalawigan na mayroong sapat na relief goods para sa mga maapektuhan ng Bagyo sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments