𝟭𝟬𝟬 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘

Nasa isang daan na benepisyaryo mula sa bayan ng Bolinao ang tumanggap ng sahod sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment Western Pangasinan Field Office.

Tumanggap ang mga ito ng kabuuang PHP 4350 o PHP 435 kada araw para sa sampung araw na trabahong iniatas ng tanggapan. Naatasan ang mga ito na panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa kanilang mga barangay.

Nagpapatuloy ang TUPAD Program sa iba’t-ibang bahagi ng bansa upang saklolohan ang mga Pilipino na walang permanente at maayos na trabaho nang may mapagkukunan ng dagdag-kita sa pamamagitan ng emergency employment na hindi bababa sa sampung araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments