Isasagawa ang sampung araw na clean up drive sa Dagupan City bilang bahagi at suporta sa kampanya ng lungsod sa Goodbye Basura.
Nasa higit siyam na raang mga kababaihan na benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged workers program ang tulong-tulong na nagsegregate ng basura sa sa Tondaligan at MRF sa kani-kanilang barangays bilang bahagi ng naturang clean up drive.
Suportado rin ang kampanyang Goodbye Basura ng ahensya ng Department of Labor and Employment Region 1 na siyang nangangasiwa sa programang TUPAD.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng lokal na gobyerno ng Dagupan sa mga residente sa tamang disposal at segregation ng mga basura para matulungan na mabawasan at hindi na madagdagan pa ang tambak ng basurang itinatapon sa dumpsite.
Samantala, ang naturang ten day clean up drive na isasagawa ay pinangangasiwaan ng PESO Dagupan, Waste Management Division, Tondaligan Park Admin, at mga barangay council and volunteers. |πππ’π£ππ¬π¨