𝟭𝟬 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗔𝗥𝗜𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘

Cauayan City – Ginawaran ng Centenarian Cash Gift ang sampung lolo at lola mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ng Cauayan.

Pinangunahan ni Cauayan City Mayor Hon. Jaycee Dy ang nabanggit na pamamahagi ng cheke sa OSCA Office sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Bawat isa sa sampung lolo at lola na nasa edad 90 pataas ang nakatanggap ng P10,000 bawat isa.


Ang pamamahagi ng Centenarian Cash Gifts sa mga lolo at lola ay isa sa mga programa ng Lokal na pamahalaan ng lungsod ng Cauayan na naglalayong maabutan ng tulong ang mga Cauayeñong may edad na.

Facebook Comments