Nailigtas ang 110 itlog ng pawikan mula sa storm surge sa kasagsagan ng Bagyong Kristine sa baybayin ng Baroro Beach sa Bacnotan, La Union.
Ang inahing pawikan ay nangingitlog umano noong gabi ng October 26 at namataan ng isang pawikan patroller na nahihirapan makapaghukay para sa paglalagyan ng kanyang mga itlog.
Sa pamamagitan ng isang environmental conservation organization sa La Union, kasalukuyang nasa hatchery ang mga nailigtas na itlog at sumasailalim sa Pawikan Conservation and Protection Program hanggang sa maari nang makabalik ang mga ito sa karagatan.
Kaugnay nito, patuloy na isinasagawa sa bawat barangay ng lalawigan ang sea turtle conservation training bilang pagsasanay mula sa nesting encounters at pagligtas sa mga stranded na pawikan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨