Nasa 11 barangay sa Pangasinan ang idinagdag sa listahan ng drug- cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1.
Kinabibilangan ito ng Brgy. Alac at Lagasit, San Quintin; Brgy. Balogo at San Isidro, Binmaley ; Brgy. Bolosan, Coliling, Mamarlao, San Pedro-Taloy, San Carlos City; Brgy. Pao at Cabanbanan, Manaoag; at Brgy. San Vicente, San Jacinto.
Ngayong buwan nasa 20 barangay sa Pangasinan ang karagdagang naideklarang drug-cleared barangays ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing Program.
Umaabot na sa 220 barangay sa buong Ilocos Region ang napanatili ang drug-cleared status.
Nasa 26 na barangay ang naitalang drug-free habang 23 barangay ang nanatiling drug free.
Siniguro ng ahensya na magpapatuloy ang kampanya ng tanggapan sa illegal na droga katuwang ang PNP at ilan pang law enfircement agencies upang mapanatili ang peace and order ng Region I. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨