𝟭𝟭 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟

Arestado ang labing isang kalalakihan matapos umanong magpaputok at barilin ang isang magsasaka sa Brgy. San Gabriel 2nd, Bayambang, Pangasinan.

Ang biktima ay isang 35 anyos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bigla na lamang pinaputukan ng isa sa mga suspek ang biktima at mga kasamahan nito habang nasa isang farm.

Dahil dito, nagtamo ng tama ng bala sa kanang balikat ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan.

Samantala, naaresto sa manhunt operation ang mga suspek at napag-alaman na apat sa mga ito ay retiradong sundalo.

Nakumpiska ang nasa apat na klase ng baril at bala sa mga suspek.

Inihahanda na ang kaso laban sa mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments