Patuloy na nararanasan ang storm surge o daluyong sa iba’t-ibang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan.
Lubog sa baha ang inabot ng mga kabahayan sa lungsod ng Dagupan lalo na sa mga malalapit sa coastal areas, maging sa mga mababang bahagi.
Nasira rin ang Baywalk area sa barangay Bonuan Binloc na nagkabitak bitak dulot ng mga malalakas at mataas na hampas ng alon.
Ang mga baybayin sa bayan ng Bolinao ay nagkaroon din ng matataas na alon at sumisipol na hangin.
Ilang pang mga bayan sa lalawigan tulad ng Agno, Anda, Bani, Binmaley, Dasol, Infanta, Labrador, San Fabian, at Sual ay kabilang din sa mga lugar na may nakataas na storm surge warning.
Samantala, mariing hinimok ng awtoridad ang mga Pangasinense na posible pang maapektuhan ng Bagyong Kristine na lumikas na upang maiwasan ang anumang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨