𝟭𝟮𝗞 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛𝗚𝗢𝗘𝗥𝗦, 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗡𝗗𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗪𝗘𝗘𝗞𝗘𝗡𝗗

Tinatayang higit sa 12,000 beachgoers ang dumagsa sa Tondaligan Beach, Dagupan City nitong long weekend.

Ayon sa on duty lifeguard, alas sais hanggang alas diyes ng umaga ang peak hours sa Tondaligan Beach dahil hindi pa umano masakit sa balat ang sikat ng araw.

Halos mapuno ang dalampasigan sa dami ng dumagsa upang sulitin ang tatlong araw na walang trabaho.

Samantala, hindi umano ganoon kalaki ang pagkakaiba sa bilang ng mga dumagsa ngayong at noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, walang naitalang insidente ng pagkalunod sa Tondaligan Beach dahil sa kooperasyon ng mga beachgoers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments