𝟭𝟮𝗧𝗛 𝗬𝗘𝗔𝗥 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬 𝗡𝗚 𝗥𝗠𝗡 𝗙𝗢𝗨𝗡𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗗𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗜𝗙𝗠 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Ipinagdiwang ng IFM Dagupan ang 12th year anniversary ng Radio Mindanao Network Foundation sa pamamagitan ng Ma. Corrina Canoy Feeding Program sa Dagupan City.

Handog ng IFM sa 33 na Daycare Pupils ng barangay Poblacion Oeste ang masustansyang pagkain, school supplies, at ACS Manufacturing Corporation products na Unique Toothpaste at Shield Bath Soap.

Tinuruan din ang mga magigiliw na bata kung paano ang tamang paghuhugas ng kamay at tamang paraan ng pagsisipilyo.

Ang programang ito ay isa lamang sa marami pang hakbang ng RMN Foundation upang mailapit sa mga nangangailan ang serbisyo publiko.

Taon-taong isinasagawa ang naturang programa na nagpapakita na hindi lamang nagtatapos sa pagbabalita at pagbibigay aliw ang hatid ng himpilan ng IFM Dagupan kundi pagkakaroon ng ambag sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng lipunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments