𝟭𝟮𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Aabot sa P122,400 ang halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng kapulisan sa isang driver sa isinagawang buy bust operation ng awtoridad sa Brgy. Poblacion Mangaldan, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si John Paul Fajardo alyas Jessie, 33 anyos.

Ayon sa Pulisya, matagal nang minamanmanan ang suspek sa kaniyang ilegal na aktibidad sa kanyang bahay sa Urdaneta City.

Nakumpiska sa suspek ang limang plastic sachet ng humigit kumulang 18 gramo ng hinihinalang shabu, dalawang ID card at buy bust money.

Nasa kustodiya ng kapulisan ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments