𝟭𝟮𝟯𝗠, 𝗜𝗡𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗠𝗣𝗥𝗔𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Nag-iwan ng aabot sa P123, 000,000 na inisyal na danyos sa imprastraktura ang Bagyong Kristine sa kalakhang bahagi ng Ilocos Region ayon sa Office of Civil Defense Region 1.

Ayon kay OCD Region 1 Spokesperson Andreanne Pagsolingan, tinatayang P110. 8 million ang inisyal na halaga ng dalawampung nasirang imprastraktura sa Pangasinan.

Naitala naman ang P8. 7 milyong halaga ng pinsala sa apat na imprastraktura ang Ilocos Sur habang P3. 5 milyong naman ang naitala sa dalawang imprastraktura sa La Union

Nagpapatuloy ang pagkuha ng datos sa mga napinsalang impastraktura mula sa iba pang ahensyang gobyerno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments