Nasa 123 na Persons Deprived of Liberty sa Urdaneta City Jail Dormitory ang nagtapos sa iba’t-ibang skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Pangasinan.
Ginawaran ang mga ito ng TESDA certificate II matapos sumailalim sa higit isang buwang training sa Housekeeping, Bread and Pastry Production, Cookery, Food and Beverage Services, Front Office Service at Computer Systems Servicing.
Ayon kay Jail Officer, III Maria Rhealyn Parayno, isinasagawa ang ganitong aktibidad umano bilang tulong sa mga PDLs.
Dagdag niya, hindi limitado sa mga malapit nang makalaya at bagong pasok sa kulungan ang programang ito.
Labis naman ang kasiyahan ng mga PDLs dahil sa magagamit nila ang natutunan sa TESDA habang nasa loob ng kulungan at sa kanilang paglabas.
Tampok din sa programa ang mga produktong gawa ng mga PDL tulad ng Wooden signage, lampshade at ref magnet na nakatakdang ibenta upang magkaroon ng kita ang mga ito habang nasa loob ng kulungan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨