Patay ang isang 12 anyos na batang lalaki matapos malunod sa Balincaguing River Brgy. Bacnit, Mabini Pangasinan.
Ayon sa pulisya, ang biktima kasama ang kaniyang tiyuhin at tatlong kaibigan ay nagpunta sa ilog pasado alas onse Trenta ng umaga noong araw ng Sabado.
Inaya umano ang biktima ng kaniyang kaibigan sa gitna ng ilog hanggang sa marating ang malalim na bahagi at dito na ito nalunod.
Sinubukan itong iligtas ng kaniyang tiyuhin ngunit hindi nito mahanap ang katawan ng biktima sa ilalim ng ilog.
Matapos ang Isang Oras natagpuan walang malay ang biktima sa tulong ng MDRRMO.
Itinakbo pa sa ospital ang biktima ngunit Idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments