𝟭𝟮 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗠𝗕𝗢𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬

Apat na sasakyan ang nagkarambola sa kahabaan ng national road sa Brgy. Papagueyan, Binmaley.

12 indibidwal kasama ang apat na menor de edad ang sugatan sa aksidente.

Pinakabata ang dalawang taong gulang na biktima na pasahero ng garong kasama ang dalawang sampung taong gulang na kapatid.

Ayon sa imbestigasyon, sinubukan umanong magovertake ng garong sa isang tricycle.

Dahil dito, nawalan ng kontrol ang driver ng garong at napunta sa kabilang linya at nabangga ang nakasalubong na kotse.

Nadamay pa ang isang garong at tricycle sa aksidente.

Dinala sa pagamutan ang labingdalawang indibidwal na lulan ng mga sasakyan.

Napag-alaman na positibo sa Alcohol Breath Test ang mga driver ng tricycle at garong nang maganap ang insidente.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments