Wednesday, February 11, 2026

𝟭𝟯-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔, 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡


‎Cauayan City – Palutang-lutang at wala ng buhay ng matagpuan ang katawan ng isang 13-anyos na binatilyo noong ika-5 ng Pebrero sa irrigation canal sa Brgy. San Jose Norte, Mallig, Isabela matapos itong mapaulat na nawawala.

‎Sa panayam ng IFM News Team kay Police Major Rufo Figarola Jr., hepe ng Mallig Police Station, sinabi nito na bago pa man makita ang wala ng buhay na biktima ay napaulat na itong nawawala noon pang ika-3 ng Pebrero.

‎Aniya, matapos matanggap ang report hinggil a pagkakadiskubre sa katawan ng binatilyo, kaagad silang nagtungo sa lugar upang magsagawa ng imbestigasyon.

‎Sinabi ni PMAJ Figarola na nadatnan na rin nila sa lugar ang ama ng binatilyo na siya rin mismong nagkumpirma na ang bangkay na kanilang natagpuan ay ang anak niyang nawawala.

‎Dagdag pa ng hepe, sumailalim din sa autopsy examination ang katawan ng biktima upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkasawi.

‎Sa pinakahuling ulat, nailibing na ang labi ng binatilyo subalit hinihintay pa rin ang resulta ng isinagawang autopsy report.
‎—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments