𝗧𝗥𝗘𝗦𝗘 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗔 𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗬𝗘𝗟𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬

Ilang araw nang hinahanap ang 13 anyos na dalagita mula Brgy. Nibaliw, Mangaldan matapos umanong utusang bumili ng yelo.

Kinilala ito na si Rosalyn Calagno.

Ayon sa awtoridad bago pa man utusan ang dalagita ay napagalitan ito ng kaniyang amain.

Huli itong nakita noong June 24 ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nakakauwi sa kanilang tahanan.

Nanawagan naman ang kaniyang pamilya na kung may naka kita sa kanilang kaanak ay agad na ipagbigay alam sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments