CAUAYAN CITY – Inabutan ng tulong pangkabuhayan ng DTI Region 2 Quirino ang labing-tatlong biktima ng sunog sa San Marcos Gymnasium, Cabarroguis, Quirino.
Ilan sa kanilang pangkabuhayang natanggap ay ang sari-sari store kit, furniture kit, at piggery business kit.
Isinagawa ang pamamahagi ng tulong pangkabuhayan sa ilalim ng programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) ng nabanggit na ahensya.
Layunin ng aktibidad na matulungang makabangon muli sa kanilang negosyo ang mga benepisyaryo upang may mapagkukunan sila ng kanilang pang-araw-araw na gastusin.
Maliban sa mga ibinahaging livelihood kits, sumailalim din sila sa Basics of Entrepreneurship Seminar upang mabigyan sila ng karagdagang kaalaman sa tamang pamamahala ng kanilang negosyo.