𝟭𝟯 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝟭𝟲 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗥 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Nasa labingtatlo hanggang labing-anim na mga bagyo ang nakikitang makakapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong taon ayon sa PAGASA.

Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Liza Solis, maaaring magdulot ang southwest monsoon at ang onset ng La Niña sa pagbuo ng mapaminsalang mga bagyo sa huling mga buwan ng taong 2024.

Posible ring maranasan ang mataas na tyansa o 60% ng parating na La Niña mula buwan ng Hunyo hanggang Agosto.

Samantala, maaga nang pinaalalahanan ang publiko kaugnay sa mga paghahandang kinakailangan maging ang pagtutok ng pamahalaan sa magiging epekto ng La Niña Phenomenon sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments