
Cauayan City – Ipinamalas ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang mas pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad matapos maaresto ang mahigit isang daang wanted persons st iba pang krimen sa lalawigan.
mula Enero 1 hanggang 31, 2026.
Sa ulat ng IPPO, nakapagsagawa ang Isabela PNP ng kabuuang 144 Arrest of Wanted Person operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 147 wanted persons.
Samantala, sa Most Wanted Person operations, limang operasyon ang naisagawa na humantong din sa limang pagkakaaresto.
Sa mas pinaigting na pagtugis sa Top Most Wanted Persons, umabot sa 14 na operasyon ang naisagawa na nagbunga ng pagkakahuli sa pitong regional level, anim na provincial level, at isang city/municipal level wanted person.
Bukod sa manhunt operations, nagtala rin ng tagumpay ang ilang police stations sa lalawigan sa pagtugon sa mga priority at heinous crimes. Kabilang dito ang pagkakahuli ng mga regional at provincial top wanted persons sa mga kasong rape, statutory rape, murder, at qualified theft.
Ayon sa pamunuan ng Isabela PNP, ang mga naitalang accomplishments ay resulta ng pinaigting na police visibility, intelligence-driven operations, at aktibong pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at komunidad.
Sa pahayag ni Acting Provincial Director PCOL Manuel B. Bringas, binigyang-diin niya na ang mga pagkakaaresto ay bunga ng masusing intelligence build-up, tuloy-tuloy na manhunt operations, mahigpit na koordinasyon ng mga operating units ng bawat kasapi ng PNP Isabela.
Source and Photo Courtesy: PNP Isabela
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










