Kabuuang P83 milyon ang maaring mapakinabangan ng mga Pangasinense sa mga government run hospitals bilang pondo para sa Medical Assistance for the Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP program ng Department of Health.
Ang naturang pondo ay ilalaan sa labing apat na pampublikong ospital sa lalawigan na layuning makapagbigay ng tulong pinansyal sa pagpapakonsulta ng mga indigent at walang kakayahang makapagbayad ng medikasyon.
Mula sa P83 milyon na pondo, P6,930,000 ang mapupunta sa Pangasinan Provincial Hospital; P7,920,000; para sa Urdaneta City District Hospital; P5,107,234 sa Bayambang District Hospital; P5,185,874 sa Dasol Community Hospital ; P5,198,323 sa Eastern Pangasinan District Hospital; at tig P5,940,000 naman ang matatanggap ng mga nalalabing district at community hospitals.
Matatandaan na nasa P55. 4 milyon ang pondo noong nakaraang taon para sa MAIFIP program na bahagyang tumaas kung ihahambing sa kasalukuyang pondo.
Kaugnay nito, hinihikayat ng pamahalaang panlalawigan ang mga Pangasinense na gamitin ang mga ganitong programa ng gobyerno upang mabigyang- pansin ang kalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨