Cauayan City – Nakatanggap ng tulong pinansyal mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 1,500 magsasaka at mangingisda mula sa lalawigan ng Isabela.
Personal na nagtungo ang Pangulo sa lungsod ng Ilagan upang iabot ang P10,000 tulong pinansyal sa mga benepisyaryo ng Presidential Assistance.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Ginoong Nestor Villanueva mula sa Bayan ng Ramon, Isabela na isa sa mga lubhang naapektuhan ng mga naranasang sakuna, malaking dagok sa katulad niyang mangingisda ang pinsalang dinulot sa kanila ng nagdaang mga kalamidad.
Aniya, ipinagpasalamat nito na isa siya sa mga naging benepisyaryo ng programa dahil kahit papaano ay mayroon na silang magagamit bilang panimula sa pagbangon ng kanilang palaisdaan.