𝟭,𝟱𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟, 𝗡𝗔𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗘𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Umabot sa 1,500 na indibidwal ang nakinabang sa isinagawang libreng sakay sa ng isang transport group sa Eastern Pangasinan.

Limang araw na umarangkada ang dalawamput anim na jeep para sa naturang libreng sakay na nagtapos noong nakaraang linggo. Ang mga pasahero ay residente ng Asingan, Sta. Maria, Rosales at Binalonan.

Naisakatuparan ang libreng sakay sa pagsang-ayon at pagpirma ng mga alkalde mula sa apat na bayan na payagang maikutan ang mga rutang dinaanan ng libreng sakay upang makatulong na maibsan pansamantala ang gastusin ng mga byahero sa pamasahe. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments