Nagsagawa na ng pre-emptive evacuation ang lungsod ng Alaminos City bunsod ng Bagyong Kristine.
Sa inisyal na datos ng Alaminos City DRRMO, nasa 156 na indibidwal na ang inilikas mula sa mga Barangay ng Mona at Barangay Pangapisan.
Ito ang mga barangay kung saan nasa coastal areas at malaki ang posibilidad na makaranas ng pagbaha.
Nagpapatuloy rin ang pagbabantay o monitong ng lokal na gobyerno ng lungsod para sa pagtitiyak ng kaligtasan lalo sa mga lugar na maaaring bahain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments