𝟭𝟱 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗧𝗘𝗗𝗢 𝗔𝗧𝗛𝗟𝗘𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗚𝗞𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗚𝗢𝗟𝗗 𝗠𝗘𝗗𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗝𝗔𝗣𝗔𝗡

Naiuwi ni Shane Enrico Vasquez ang gintong medalya sa naganap na World Karatedo Wado Ryu sa Tokyo Japan.
Si Vasquez ay 15 taong gulang mula sa Dagupan City na sumabak sa Male Kata 15 to 18 years old category.
Ang ama ng batang atleta ay kasalukuyang Presidente ng Pangasinan Karatedo Philippines Sports Federation na si Mr.Alejandro Enrico Vasquez na nagturo sa kaniya ng naturang sport.
Mensahe ng batang Vasquez sa kapwa nito Atleta na huwag pabayaan ang pag-aralan at matutong balansehin ang Oras sa extra curricular activities at academics.
Sumabak na rin ito sa mga competition sa Malaysia at Thailand kung saan siya at itinanghal na kampeon.
Sa ngayon,paghahanda na ito para sa kompetisyon ng Batang Pinoy. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments