167, 000, yan ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa Pangasinan na inalis na sa official list ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan dahil sa ibaβt-ibang kadahilanan.
Ayon kay COMELEC Provincial Election Supervisor Attorney Marino Salas, ilan sa mga inalis ay nagtransfer, bigong makaboto ng dalawang magkasunod na pagkakataon tuwing eleksyon at namatay na.
Iniulat din ng tanggapan na nasa 97,000 ang bagong nadagdag na botante ngayong taon nang simulan ang voter registration noong Pebrero.
Sa kasalukuyan nasa higit 2.1 milyon na ang botante sa probinsya na nakatakdang madagdagan dahil sa isasagawang Election Registration board sa susunod na lingo.
Magtatagal ang voter registration hanggang September 30.
Panawagan ng COMELEC Pangasinan, huwag nang hintayin ang huling araw ng registration, magparehistro nang maaga para makaboto sa National and Local Elections sa susunod na taon.|πππ’π£ππ¬π¨