Cauayan City – Hindi na nakaligtas mula sa kamatayan ang isang binatilyo matapos malunod sa ilog sa Brgy. Lalog 2, Luna, Isabela noong unang araw ng Nobyembre.
Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Luna Police Station, 24 na oras bago tuluyang nakakarekober ang katawan ng biktimang si Mark John Dalogdog, 16-anyos, Grade 10 student, at mula sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, nagtungo ang biktima sa ilog kasama ang 5 pa nitong kaibigan upang linisin ang kanilang mga bisikleta.
Habang nililinis ang bisikleta, inanod umano ang tsinelas ng biktima sa ilog dahilan upang lumusong ito sa tubig subalit hindi inaasahang tinangay ito ng malakas na agos ng tubig patungo sa malalim na bahagi ng ilog at hindi na nakaahon pa.
Kaagad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad upang hanapin ang katawan ng biktima, at nahanap rin ang bangkay nito makalipas ang 24 oras, hapon noong ikalawa ng Nobyembre