𝟭𝟲 π—¦π—¨π—‘π——π—”π—Ÿπ—’ 𝗑𝗔 π—œπ—§π—œπ—‘π—¨π—§π—¨π—₯π—’π—‘π—š 𝗠𝗔𝗬 π—žπ—”π—¨π—šπ—‘π—”π—¬π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—žπ—”π—ͺπ—”π—Ÿπ—” π—‘π—š 𝟰 𝗑𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 π—˜π—–π—¨π—”π——π—’π—₯, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’!

CAUAYAN CITY – Arestado at mahaharap sa kasong murder ang 16 na sundalo na itinuturong may kaugnayan sa pagkawala ng 4 na bata sa bansang Ecuador.

Napag-alaman na nasa edad 11 hanggang 15 ang mga ito at ayon sa mga magulang ng mga bata, nagpaalam lamang na maglalaro ng soccer ang mga ito subalit hindi na umuwi sa kani-kanilang mga Bahay.

Dahil sa insidente, isang protesta ang isinagawa ng mga mamamayan ng Ecuador kung saan kwinestiyon nila ang pagkakasangkot ng militar sa pangyayari.


Sa isang video na kuha mula sa security camera, nakita na isang military patrol ang kumukuha sa dalawang bata na inamin naman ng militar ng Ecuador.

Pahayag nila na inaresto nila ang mga ito dahil umano sa pagkakasangkot sa isang robbery attempt at ipinaliwanag na pinakawalan din nila agad ang mga ito at posibleng kagagawan ng mga gang ang pagkawala ng apat na bata.

Samantala, nitong nakaraang Linggo, apat na sunog na katawan ang natagpuan malapit sa kampo ng mga militar kung saan ayon sa ginawang genetic test, nakumpirmang ang mga natagpuang katawan ay ang mga nawawalang bata.

Facebook Comments