𝟭𝟳 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗦 𝗡𝗚 𝗔𝗗𝗨𝗟𝗧𝗘𝗥𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗠𝗣𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥

Cauayan City – Tagumpay na naaresto ng mga kapulisan ang isang lalaki kahapon, ika-15 ng Hulyo, sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong adultery.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Win”, 39 anyos, tubong Brgy. Bagong Tanza, Aurora, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, naaresto ang suspek sa bisa ng mandamyento de aresto na inisyu ng korte para sa 17 kasong Adultery na isinampa laban rito.


P36,000 sa bawat kaso ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ni Alyas Win.

Samantala, sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng CIDG Isabela PFU ang suspek para sa dokumentasyon bago ito ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments