CAUAYAN CITY – Nakatanggap ng tulong pinansyal ang 180 na magsasaka ng mais sa lalawigan ng Cagayan.
Ang nasabing pagbibigay tulong ay mula sa Provincial Government of Cagayan (PCG) sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA).
Isinagawa ng OPA ang pamamahagi sa bayan ng Buguey, Sta. Teresita, Lal-lo, Pamplona, Lasam, Abulug, Allacapan, Amulung, Enrile, at Solana.
Nagkakahalaga naman ng isang libong piso ang natanggap ng mga corn farmers na apektado sa mga nakalipas na bagyo at pagbaha.
Kaugnay nito, ang isinasagawang pamamahagi ay dahil sa pagnanais ni Governor Manuel Mamba na hindi mapabayaan ang sektor ng mga magsasaka sa kanyang nasasakupan.
Facebook Comments