𝟭𝟴-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢

Cauayan City – Arestado ang isang disiotso anyos na binatilyo matapos itong masangkot sa pagtangay ng motorsiklo sa lungsod ng Cauayan.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, tinangay ng suspek na si alyas “Baldo”, at residente ng Brgy. Sta. Maria, Cauayan City, Isabela ang motorsiklo nang iwan ito ng may-ari sa tabi ng kanilang bahay na nakasusi.

Nang mapag-alamang nawawala ay kaagad namang humingi ng tulong ang biktima sa social media at sa kabutihang palad, isang concerned citizen ang tumawag sa biktima na nagsasabing nakita nito ang nawawala nitong motorsiklo sa Brgy. Sitio Fugu, Brgy. Sindun Bayabo, Ilagan City, Isabela.


Kaagad namang nag report at humingi ng tulong sa Ilagan City PS ang biktima at dito nga ay tagumpay na na-recover ang nawawalang motorsiklo habang naaresto rin ang suspek na kaagad namang ipinasakamay sa Cauayan City PS.

Facebook Comments