Pagkalunod ang naging sanhi ng pagkamatay ng isang 18 anyos na babae sa bayan ng Labrador.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, kasama ng biktima ang mga kaibigan nito habang nasa kabundukan sa Tinakayanan Falls, sa bayan nang bigla itong nadulas dahilan kanyang pagbagsak sa malalim ng bahagi ng talon.
Humingi ng saklolo ang biktima bagamat wala sa mga kaibigan nito ang marunong ding lumangoy.
Lumubog at dito na tuluyang nalunod ang biktima.
Nirespondehan pa ito awtoridad ngunit idineklara itong DOA nang itakbo sa ospital. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments