𝟭𝟴-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗜𝗧𝗢, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡



Cauayan City – Dalawang indibidwal, kabilang ang isang 18-anyos na estudyante, ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Tuguegarao City Police Station sa Barangay Pengue, Tuguegarao City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Chan,” 18 taong gulang, at alyas “Jo,” 38 taong gulang, kapwa residente ng lungsod at itinuturing na Street Level Individuals ng Philippine National Police (PNP).

Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 53 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱360,400.00.

Narekober din ng mga pulis ang iba pang ebidensya kabilang ang isang tunay na ₱1,000.00 bill at siyam na piraso ng ₱1,000.00 boodle money na ginamit bilang buy-bust money, isang cellphone, isang pouch, tatlong susi, at isang motorsiklo.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawang suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

Samantala, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: PRO2

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments