
โCauayan City – Nakatanggap ng kanilang sahod ang 192 beneficiaries ng TUPAD Program mula sa Bayan ng Santo Tomas, Isabela kahapon, Enero 7, 2026,
โUmabot sa kabuuang halagang โฑ960,000 ang perang naipamahagi, bilang tulong sa mga manggagawang kabilang sa sektor ng disadvantaged at displaced workers.
โAng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers* ay isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na naglalayong magbigay ng pansamantalang hanapbuhay at agarang suporta sa kita.
โSa pamamagitan ng programa, nabibigyan ng pagkakataon ang mga benepisyaryo na magkaroon ng marangal na pagkakakitaan habang aktibong nakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad sa kanilang lugar.
โPatuloy ang DOLE, katuwang ang lokal na pamahalaan, sa pagpapatupad ng mga programang nagpapalakas sa social protection at tumutulong sa pagbangon ng mga Pilipino, alinsunod sa layunin ng Bagong Pilipinas.
โSource: DOLE ISABELA FO
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,ย www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










