𝟭𝟵𝟵 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗣𝗔𝗬𝗢𝗨𝗧 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘

Nasa 199 na indibidwal mula sa Alaminos City ang benepisyaryo sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD ang tumanggap ng kabuuang sahod sa sampung araw na trabaho mula sa Department of Labor and Employment.

Dinaluhan ng Alaminos City CESO at mga bumubuo sa pamunuan ng Brgy. Bued sa lungsod kung saan ginanap ang TUPAD Payout. Nagpaabot naman ng pasasalamat at galak ang mga benepisyaryo sa tulong na hatid ng programa ng DOLE.

Isinasagawa sa iba’t-ibang bayan ng Pangasinan ang TUPAD Program upang maging emergency employment sa mga indibidwal na walang maayos na hanapbuhay upang magkaroon ng dagdag kita. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments