CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang indibidwal matapos tamaan ng stray bullet o ligaw na bala noong kasagsagan ng Bagong Taon sa probinsya ng Kalinga.
Ito ay inihayag ni Kalinga Provincial Police Office (KPPO) Acting Provincial Director POLICE COLONEL James D. Mangili kung saan may naitalang insidente ng indiscriminate firing at tatlong biktima ng iligal na paputok at 160 piraso ng Boga.
Kaugnay nito, sinira ng Kalinga Police Provincial Office kasama ang BFP, at Office of the Provincial Health Office (OPHO) ang nakumpiskang 1600 piraso ng iligal na paputok.
Gayunpaman, sa kabila ng mga insidenteng ito ay maituturing pa rin na pangkalahatang mapayapa ang selebrasyon ng Bagong Taon sa lalawigan ng Kalinga.
Facebook Comments