
Cauayan City – Isinagawang Pamahalaang Bayan ng Quezon, Isabela ang paglalagay ng 1-kilometrong water system extension sa Purok 7, Barangay Minagbag.
Bahagi ito ng programa ng lokal na pamahalaan upang mas mapalawak ang serbisyong patubig sa mga residente.
Sa pamamagitan ng proyekto, inaasahang madaragdagan ang mga kabahayang magkakaroon ng akses sa malinis at ligtas na inuming tubig.
Layunin din nitong matiyak ang sapat na suplay na makatutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng komunidad.
Binigyang-diin ng pamahalaan na ang maayos na water system ay mahalaga sa pagpapanatili ng kalinisan, maayos na sanitation, at mabuting kalusugan ng mamamayan.
Ang inisyatibang ito ay patunay ng patuloy na pagkilos ng lokal na pamahalaan upang palakasin ang pangunahing serbisyo publiko at isulong ang mas maunlad na Quezon, Isabela.
SOURCE: LGU QUEZON, ISABELA
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










